ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng hot na hot na sexy actress na si Divine Villareal na kakaibang pampainit sa mga barako ang mapapanood sa kanilang pelikulang “Bulong Ng Laman” ni direk Tootoots Leyesa.
Nagkuwento ang napakaseksing talent ni Jojo Veloso hinggil sa kanilang pelikulang mapapanood na sa VMX very soon.
Aniya, “Kasama ko po sa movie sina Aiko Garcia, Lian Rosales, Marco Mora, at Mhack Morales.
“Bale, ako po ‘yung babae sa tocador na magbibigay ng ligaya na hindi nararanasan sa iba ni Aiko Garcia. To the point po na kapag tumitig ka sa salamin ay ako ay inyong maaalala.”
Pang ilang movie na niya ito at anong pelikula ang pinaka-sexy na nagawa niya?
Esplika ni Divine, “Pang third movie ko po ito sa VMX. Isa rin po ako sa lead cast nito.
“For me po, lahat naman ng movie na aking nagawa ay napaka-sexy talaga, pero itong bago ninyong aabangan which is ‘yung Tawag ng Laman ay kakaiba po siya.”
Bakit niya nasabing kakaiba ito?
“Masasabi ko pong one of my biggest break po ito after ng “Kalakal”. Sa movie na ito po kasi ay maipapakita ang pagiging wild namin ng aking mga kasama.”
Pahayag niya, “Kakaiba po ang paraan ng pagpapa- sexy ko rito, kaya po dapat itong abangan.”
Hinggil naman sa napi-feel niya kapag nalamang pinagpapantasyahan siya ng mga kalalakihan, okay lang daw ito sa aktres, katunayan ay mas gusto raw niya ito.
Pakli ni Divine, “Bilang sexy star po ay nakatataba ng puso kapag may mga lalaking pinagpapantasyahan ako. Dahil malamang ay nagagampanan ko po nang maayos ang aking role o eksena sa mga pelikulang napapanood nila ako.”
How about ‘yung kaseksihan niya, sa palagay ba niya ay factor din ito para pagpantasyahan siya ng maraming boys?
“Yes po, because I did everything po para ma-achieve ito. And alam naman po natin na karamihan sa boys, mahilig talaga sa mga babaeng sexy, hahaha!” Nakatawang saad niya.
Bakit Bulong Ng Laman ang title nito?
“I think kaya tinawag na Bulong Ng Laman ito ay dahil sa kakaibang pleasure na ginagawa ng mga bida.
“Before po kase is “Tocador” ang title nito and now is pinalitan ng Bulong Ng Laman, I think kaya pinalitan po, sabi ko nga ay because of sa pleasure na ginagawa ng mga bida na talaga pong matindi. Kaya po hindi ito dapat palagpasin ng viewers,” nakangiting sambit pa ng magandang aktres.
Mapapanood na sa VMX app ang pelikulang Bulong Ng Laman ngayong September 2.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com