Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

4 tulak dinakma sa Gapan, NE
P1.2-M shabu, 2 loose firearms nasabat

NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1.2-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu at dalawang loose firearm mula sa apat na nadakip na hinihinalang mga drug trafficker sa isinagawang buybust operation sa lungsod ng Gapan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 23 Agosto.

Sa ulat kay Nueva Ecija PPO provincial director P/Col. Heryl Bruno, kinilala ni Gapan CPS chief P/Lt. Col. Joel Dela Cruz ang mga suspek na sina alyas Arthur, 46 anyos, residente ng Bgy. Sangandaan, Quezon City; alyas Tagle at alyas Badong, kapwa 58 anyos, driver, mga residente ng Bgy. Bulak; at alyas Amang, 51 anyos, mekaniko, residente ng Bgy. Pambuan, pawang sa nabanggit na nglungsod.

Dinakip ang mga suspek sa isinagawang drug sting ng mga miyembro ng Gapan CPS at ng provincial police drug enforcement team sa Bgy. Pambuan dakong 5:45 ng umaga kamakalawa.

Nasamsam sa operasyon ang nasa 177 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,203,600; dalawang baril – isang 12-gauge shotgun na may tatlong bala at isang cal. 9mm pistol na kargado ng apat na bala; at isang silver Mitsubishi Mirage sedan (CCG-8309).

Isusumite ang mga narekober na piraso ng ebidensiya ng droga sa Nueva Ecija PFU para sa pagsusuro habang ang mga naarestong suspek ay isasailalim sa drug test examination.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Gapan CPS ang mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon at nakatakdang sampahan ng magkahiwalay na kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa harap ng City Prosecutor’s Office ng lungsod. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …