BAKIT ba hate na hate hanggang ngayon nina Melissa Ricks at Lovi Poe ang ex-boyfriend na si Jake Cuenca?
Well hindi na kailangan pang itanong ‘yan dahil obyus, na hindi maganda ang naging episode ng relasyon nila kay Jake, na kahit maging kaibigan na lang nila ay ayaw nina Melissa at Lovi. Makikita sa reaction ng mga actress na kulang na lang na sabihin nilang walang kwentang maging nobyo ang nasabing actor.
Ngayon, si Jessy Mendiola naman raw ang pinopormahan ni Jake at mukhang bumibigay na rin ang young actress sa actor. Hay naku! Kung kay JM de Guzman ay nakaranas ng totoong pagmamahal si Jessy, dito kay Jake ewan kung hindi niya pagsisihan kapag pumatol siya.
Mas feel ng actor na asikasuhin ang kanyang sarili at bihira siyang magkaroon ng time sa karelasyon kaya ang ending parating iniiwanan siya ng babae. Pero kung magpapakatanga si Maria Mercedes ay bahala siyang lumuha ng bato kay Jake.
‘Yun na mismo gyud!
THE FAIRY TALE WEDDING OF RICHARD AND MAYA ON NOVEMBER 15, BUONG BANSA AY NAG-AABANG NA
Maikokompara nga sa isang fairy tale ang love story nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap) sa No. 1 Morning Kilig-Serye na “Be Careful With My Heart.”
Tipikal na nainlab ang mayamang lalaki sa babaeng galing sa pamilya ng mahirap. Pero dahil sa tulong ng boss na si Ser Chief ay ang yaya noon ng anak na si Abby (Mutya Orquia) na si Maya ay isa nang ganap na flight stewardess ngayon sa Airline Company na pag-aari ni Richard at ng mga kasosyo. Sa una pa lang ay naging “crush” na ni Maya si Richard. Pero ang inaaakalang hanggang ilusyon lang ay nagkatotoo at naging sila nga ni Richard. At ngayong November 15 ay magaganap na ang kasalang Maya at Richard na tinawag na “The Fairy Tale Wedding Event of the Year.”
Imbitado ang lahat ng televiewers ng “Be Careful with My Heart,” sa nasabing wedding na dadaluhan ng buong pamilya ni Richard, at mga kaibigan. Sa parte naman ni Maya, ang inaabangan ngayon ay ang pagdalo ng amang si Arturo (Lito Pimentel) sa special na araw sa kanyang buhay.
Hindi pa man sila ikinakasal ay pinag-uusapan na nina Maya at Ser Chief kung ilan ang kanilang magiging anak. Ibig sabihin, dahil bubuo pa sila ng pamilya, magtatagal pa talaga sa ere ang inyong favorite serye, na hanggang ngayon ay ‘di natitinag sa mataas nilang ratings. Yes, hindi pa rin nawawala ang interes ng mga manonood sa buhay at mga character nina Maya at Ser Chief kasama ng buong cast. At base sa mga nainterbyu ng production team ng nasabing pamilya teleserye, lahat ng mga kababayan natin dito at sa labas ng bansa ay excited na sa parating na wedding ng ating mga bida. Sino ba naman kasi ang hindi? Lalo pa’t guwapo at maganda ang ikakasal.
So, h’wag bibitaw, nood lagi ng “Be Careful with My Heart” pagkatapos ng Minute To Win It sa Kapamilya network at every Saturday at 10:00 am, mapapanood n’yo naman ang “Sabado Rewind.”
JUNIOR PINOY HENYO SA EAT BULAGA MAY TALINO SA PAUTAKAN AT GALING SA SAYAWAN
Tuwing Sabado ay tatlong school ang naglalaban-laban sa Junior Pinoy Henyo sa Eat Bulaga. Pagdating sa pabilisan ng pahulaan ng salita ay hanep talaga ang mga estudyanteng kalahok rito na may talino sa pautakan at galing pa sa sayawan. Noong Sabado sa “Pautakan” ay tinalo ng mag-partner na Anne Barbin at Sophia Cabreros ng Kapt. Jose Cardones Memorial Elementary School sa Taguig ang mga nakatunggaling mag-aaral ng St. Joseph College of Olongapo, Inc., at Dampalit Elementary School (Malabon). Nakamit nina Anne at Sophia ang 6 points score sa tulong ng kanilang coach na si Rowena Porlante na nagkamit ng P10K at P100K naman para sa mga nasabing estudyanteng winner. Samantala sina Nayah Cui at Lai na pambato ng St. Joseph College of Olongapo, Inc., ang panalo sa Sayawan sa score na 95% at nakapag-uwi sila ng cash prize na P50K.
Peter Ledesma