Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang Pandi Municipal Police Station ang isang wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Ayon sa report ni PMajor Michael M. Santod, acting force commander ng 2nd PMFC, kinilala ang suspek na si alyas Berto, 47 taong gulang at residente ng Pandi Village 1, Brgy. Siling Matanda, Pandi, Bulacan.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Theresa Genevieve N. Co, Presiding Judge ng RTC Branch 17, Malolos City, Bulacan, para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5(b) ng RA 7610 (3 counts) at nay (Criminal Case Nos. 3131-M-2025, 3132-M-2025, at 3133-M-2025).
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa kriminalidad at iba pang paglabag sa batas sa pamumuno ni PColonel Angel L Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya at lokal na pamahalaan upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com