Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran ang palpak at substandard na trabaho at malawakang korupsiyon,” ani Chairman Emeritus, Dr. Jose Antonio Goitia, pinuno ng iba’t ibang makabansang organisasyon.

“Kaya’t todo ang suporta ko kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang matapang at makatuwirang pag-inspeksiyon sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipinapakita niya na ang kapabayaan at panloloko sa bayan ay hindi niya palalampasin,” pahayag ni Goitia.

Sinabi ni Goitia, sa mga isinagawang on-site inspections, kabilang ang lalawigan ng Bulacan, isa sa mga itinuturing na flood-prone province, nadiskubre ni Presidente Marcos sa kaniyang pagbisita na ang dalawang barangay sa bayan ng Calumpit — Barangay Bulusan at Barangay Frances — ay may mga problemang itinatago, kabilang ang mga kapabayaan sa proyekto na halatang hindi nagawa nang maayos.

“Sa Barangay Bulusan, nadiskubre rin ng Pangulo na mahigit 200 metro ng river protection structure ang hindi pala naitayo kahit may mga report na idineklarang tapos na ang proyekto. Sumisid pa sa ilalim ang mga divers para magsagawa ng inspeksiyon at lumabas na manipis at hindi pantay ang kongkreto, may mga siwang sa mga pundasyon na maituturing na trabahong palpak at tiyak na babagsak,” paliwanag ni Goitia.

Idinagdag niya ang matapang na pahayag mismo ng Pangulo na kailangan nilang ipaliwanag kung bakit ganito ang pagkakagawa. Dapat maranasan nila ang hirap na dinaranas ng tao dahil sa kapabayaan nila.

Sa Barangay Frances naman, isang proyekto na nagkakahalaga ng ₱77.1 milyon ang nadiskubreng mababa ang kalidad ng materyales at hindi kompleto ang dredging, kahit nakalista itong tapos na.

Ayon kay Goitia, hindi ito pinalampas ng Pangulo. Pagkatapos ng inspeksiyon, kaagad niyang inutusan ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon sa lahat ng flood control projects upang malaman kung saan napunta ang pera ng bayan.

Tinukoy din ni Goitia ang sitwasyon sa Oriental Mindoro, na mismong si Gov. Bonz Dolor ang nagbunyag ng mga dike na bumagsak ilang linggo matapos maitayo.

“Masakit isipin na napunta lamang sa iregularidad at korupsiyon ang P39-bilyong pondo, kaya umapela mismo si Gov. Dolor ng tulong kay Presidente Marcos para papanagutin ang mga contractors at mga opisyal na maaaring sangkot sa nasabing proyekto,” wika niya.

“Hindi lang inspeksiyon ang ginagawa ng Pangulo. May mabilisang aksiyon, tamang pagdisiplina sa mga nasasangkot, at pagsugpo sa korupsiyon na may kasamang pagtulong upang mapabuti ang kapakanan ng mga tao,” dagdag ni Goitia. “Sa Oriental Mindoro, naglabas siya ng ₱46.14 milyon para sa mga magsasaka at mangingisdang tinamaan ng bagyo. Iniutos din niya na rebisahin ang Flood Control Masterplan para mas tugma sa klima at datos ngayon.”

Para kay Goitia, malinaw ang mensahe: “Ganito ang pamumuno. Hindi lang basta nagpapagawa ng mga proyekto si President Marcos kundi mayroon siyang katapatan na makapagpatupad ng programa. Ang tangi niyang hiling ay ang kalidad, katapatan at pagiging patas. Tinutupad niya ang kaniyang pangako at ipinapakitang seryoso siya laban sa korupsiyon.”

Nanawagan si Goitia sa lahat ng Filipino na makiisa: “Bawat palpak na dike ay panganib sa pamilya. Bawat pisong nakurakot ay pagkain na nawala sa mesa ng isang kababayan natin. Sinabi na ng Pangulo: walang puwang ang magnanakaw. Laban ito ng lahat ng Filipino.”

At sa huli, buo ang paninindigan ni Goitia: “Ibubulgar natin ang tiwali. Lalabanan natin ang mga walang malasakit. Susuporta tayo sa Pangulong may tapang humarap laban sa korupsiyon. Dahil hindi lang ito politika, buhay at dangal ng bawat Filipino ang nakataya.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabansa at sibikong organisasyon: ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …