PATULOY na pinalalakas ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK), isang programang upang mapataas ang kakayahan at kita ng mga magsasaka.
Ayon sa datos ng foundation noong 2024, nakapagsagawa na ito ng mahigit 400 pagsasanay sa buong bansa para sa higit 32,000 magsasaka.
Noong Agosto 8, sinimulan ang bagong batch ng training para sa 100 magsasaka sa Cagayan de Oro. Nagtapos din noong Agosto 6 ang 100 magsasaka sa San Juan, Batangas at 100 pa mula Sariaya at San Andres, Quezon noong Agosto 13.
Nakatakdang palawakin pa ang KSK sa mas maraming lugar ngayong taon bilang suporta sa food security at kabuhayan ng mga magsasaka.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com