ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ALAMIN kung paano isinasabuhay ni Kaila Estrada ang kahalagahan ng holistic well-being.
Si Kaila ang pinakabagong mukha ng Santé BarleyMax, na makakasama niya ang impressive roster of ambassadors ng Santé gaya nina Kim Atienza, Vic Sotto, at Vice Ganda. Ang Star Magic artist na kilala sa husay sa pagganap ang kokompleto sa line-up ng #LiveForMore ambassadors ng Santé.
Sa pagdiriwang ng Santé sa ika-18 anibersaryo nito, sinasalubong ng brand si Kaila upang ikalat ang mensahe ng kalusugan para sa batang henerasyon —pagpapatunay na wala sa edad ang pag-aalaga sa sarili. Suportado ni Kaila ang bagong panahon ng youth wellness bilang ambassador nito.
Sa mga top-trending na serye gaya ng “Viral Scandal”, “Linlang”, at “Can’t Buy Me Love”, kilala ang aktres sa kanyang topnotch performances. Idagdag pa rito ang katatapos na hit seryeng “Incognito” na sumabak siya sa maiinit at maaaksiyong mga eksena, sadyang nagmarka na ang kanyang husay bilang aktres.
Sa interviews at features, makikita ang dedikasyon at sipag ni Kaila sa kanyang mga ginagawa para sa balanseng pamumuhay. Kaya naman bahagi na siya ng pamilya ng Santé sa pagpo-promote ng malusog na lifestyle.
Ang Santé BarleyMax ay isang leading health supplement na gawa sa certified organic barley grass powder mula sa New Zealand.
Ang produkto ay layuning ma-inspire ang bagong henerasyon ng consumers na mas lalong alagaan ang kanilang mga katawan. At ngayong si Kaila na ang mukha ng brand, umaasa ang Santé na makakonekta sa mas batang merkado upang maikalat ang kahalagahan ng kalusugan sa gitna ng kanilang busy schedules at upang patunayan na mainam na maaga silang mag-invest sa kanilang well-being.
Alam ng batang henerasyon ang impormasyon na isa dapat ang holistic wellness sa kanilang mga pangunahing layunin sa buhay. “I’m incredibly honored to join the Santé family alongside such respected personalities gaya nina Kuya Kim Atienza, Bossing Vic Sotto, at Meme Vice Ganda,” wika ng kalulunsad lamang na brand ambassador.
Sambit pa ng aktres, “It’s amazing to be part of a brand that’s committed to helping people live healthier lives, no matter their age. Para sa akin, this is about owning my life, my body, and my goals. Maingat din ako with what I endorse, because I believe in taking care not only of my name but also in my responsibility to those who support me. Kaya naman honored ako to say yes to Santé.”
Kinakatawan ni Kaila ang modern, empowered woman — independent, driven, at conscious sa kanyang well-being. Nauunawaan niya ang kahalagahan ng kanyang kalusugan at kinabukasan kaya naman perfect fit siya para sa brand.
Isang tingin lang sa kanya ay sapat na para ma-appreciate hindi lamang ang kanyang kagandahan, ngunit pati na rin ang kanyang tahimik na kompiyansa sa pag-aalaga sa kanyang sarili. At para sa batang henerasyon, healthy is not just the new sexy — it’s the new wealthy.
“I take care of my health because it is my real wealth. As I try to maximize the opportunities being given to me, I also try to stay committed to staying healthy and encouraging other young adults to do the same. We need to start making health a priority hangga’t maaga pa lang. We need to commit to doing things our future selves will be grateful for, gaya ng pag-inom ng barley,” wika pa ni Kaila.
“Araw-araw ko itong iniinom tuwing umaga on an empty stomach para sa mas mahusay na nutrient absorption.”
Gaya ni Kaila, maaari nang ma-enjoy ng lahat ang key benefits ng Santé Barley Max gaya ng: 1. Better sleep and relaxation as it helps individuals achieve a more restful sleep; 2. Proper nutrition support to help fill nutritional gaps and support daily wellness needs — even on the busiest days; 3. Fun and wellness balance as it helps maintain a balance between enjoying life and staying healthy; and 4. Cleansing and detoxification as it aids in detoxifying the body, even with the occasional alcohol and caffeine consumption.
Ang Santé BarleyMax ay mabibili sa lahat ng pangunahing drugstores sa buong bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com