ISANG kilalangnotoryus na tulak at tatlong durugista ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.
Sa ulat mula kay Police Lt. Colonel Manuel C. De Vera, Jr., Acting Chief of Police ng Pandi MPS, naaresto sa ikinasang buybust operation si alyas Epoy, 22 anyos, sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi.
Nakompiska ng mga operatiba mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may Standard Drug Price (SDP) na ₱13,600.
Samantala, sa ulat ni Police Lt. Colonel Virgilio D. Ramirez, acting chief of police ng Bocaue MPS, tatlong lakaki na kinilalang sina alyas Neil, Ariel, at JP ang naaktohang bumabatak ng marijuana sa isang pot session sa Warehouse 6, Zhejiang JS Technology Corp., Brgy. Igulot, Bocaue.
Nakompiska ang isang sachet ng hinihinalang marijuana at drug paraphernalia mula sa mga suspek na nasa kustodiya na ng arresting police station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ang patuloy na kampanya ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Angel L Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO ay patunay ng dedikasyon nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com