HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala ng malawak na pagkasira sa maraming bahagi ng Bulacan, sinimulan ng SM Foundation Inc., katuwang ang SM Supermalls at SM Markets
ang sabay-sabay na tulong sa pamamagitan ng Operation Tulong Express, na nagdadala ng tulong sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo sa lalawigan.
Pinangunahan ng SM City Marilao ang malawakang relief operations, na umabot sa 1,500 pamilyang naapektohan ng baha sa maraming bayan at barangay sa Bulacan.
Isinailalim ang Marilao sa state of calamity kasunod ng matinding pinsala sa mga tahanan, impraestruktura, at mga bukirin, nagpakilos ang mall ng suporta para maabot ang mga apektadong barangay at makapaghatid ng tulong.
Ang mga round of relief operations ay isinagawa rin ng SM City Baliwag sa hindi bababa sa dalawang barangay, kabilang ang Tibag at Poblacion.
May kabuuang 200 benepisaryo ang nabigyan ng tulong sa kani-kanilang pamamahagi ng relief.
Ang SM Center Pulilan naman ay nagsagawa ng pamamahagi ng Kalinga packs sa Barangay Tabon, sa hindi bababa sa 200 pamilya.
Sa ngayon, ang SM Foundation Inc., sa pamamagitan ng Operation Tulong Express (OPTE) program nito, ay namahagi ng mahigit 18,800 Kalinga packs sa mga pamilyang naapektohan ng mga sakuna sa mga pangunahing lugar sa buong bansa.
Bukod sa Central Luzon, ang mga relief efforts ay umabot sa Metro Manila, Rizal, Pangasinan, Cavite, La Union, Laguna, at Cebu City.
Isinagawa sa koordinasyon sa mga empleyado at boluntaryo mula sa SM Supermalls at SM Markets, ang malakihang pagsisikap sa pagtulong, binibigyang-diin ang matatag na pangako ng SM Foundation Inc. na magbigay ng napapanahon at mahabaging suporta sa mga Filipino sa panahon ng krisis. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com