Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Art Halili Jr Aking Mga Anak

Art Halili Jr. tiniyak, moviegoers makaka-relate sa pelikulang ‘Aking Mga Anak’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TINIYAK ni Art Halili Jr. na makaka-relate ang moviegoers sa advocacy movie nilang ‘Aking Mga Anak’. Ito ay hatid ng  DreamGo Productions at Viva Films.

Pahayag niya, “Masasabi kong heavy drama itong movie po namin at sobrang makaka-relate talaga ang mga magulang dito, lalo na ang mga anak.”

Nabanggit din niya ang role sa nasabing pelikula.

Wika ni Art, “Ang role ko sa movie, I”m Peter na kaibigan nina Hiro Magalona, Natasha Ledesma and Ralph Dela Paz.”

Pang-ilang movie na niya ito? Anong aral ang mapupulot dito ng manonood?

Esplika niya, “Since nag-start ako ay pang-sampung movie ko na ito. 

“Tungkol naman sa next question, ang aral na mapupulot dito ay about po sa pagmamahalan ng pamilya at magkakaibigan, kaya sana po ay panoorin ninyo ito.” 

Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk Jun Miguel.

Pinuri rin niya ang kanilang direktor dito.

“Sa director namin na si Direk Jun Miguel, siya ay isa sa napakadaling katrabaho… Actually, kahit ako ay isang director na ay nabigyan niya pa rin ako ng chance na bumalik sa pag-arte.

“Kasi, mas nahasa ako sa acting sa UP theater bilang theater actor at nagkamit na rin ako ng mga best supporting na acting awards. Kaya gusto kong mahasa muli sa acting dahil matagal din akong mas nag-focus sa pagdirek ng mga shows at pag-host.”

Proud din niyang ibinalita ang hinggil sa kanyang anak na bagama’t may mild autism, ay naging valedictorian.

“Hands-on din ako sa anak ko na may mild autism, sa kanyang regular school and therapy na three times a week for occupational therapy and speech.

“Nakaka-proud na naging valedictorian ang aking anak, last graduation day nila.”

Pahabol pa ni Art, “Gusto ko rin magpasalamat sa mga kaibigan sa showbiz na nanatiling nasa tabi ko at tumutulong sa akin since day 1. Kaya ako nakabangon at sila ang kasama ko sa ups and downs ko sa buhay at career. Salamat sa mga katrabaho at kaibigang sina Dexter Doria, Jhen Boles, Melissa Mendez, Glenda Garcia, Pilar Mateo, Miss F – Fernand de Guzman, Francia Conrado, JM Paelma, Ramos Family, at marami pang iba.”

Ayon pa kay Art, may contract signing siya ng new endorsement ng isang kilalang restaurant at malapit na rin ang fourth concert niyang ‘Tara Lezz Go 2.0’ kasama sina Lance Raymundo at iba pa niyang co-host.

Anyway, sa September 3 ang nationwide showing sa mga sinehan ng movie nilang sa Aking Mga Anak. Magkakaroon ito ng advance screening sa August 9 & 10, 2025 sa SM Iloilo at ang red carpet premiere night naman nito ay sa darating na August 4, 2025 sa SM Megamall.

Tampok din sa pelikula sina Klinton Start, Ms. Cecille Bravo, Patani Dano, at Sarah Javier. 

Ang mga bibidang bata naman dito ay sinaJace Fierre Salada as Gabriel, Juharra Zhianne Asayo as Julia, Alejandra Cortez bilang si Pauline, Madisen Go as Heaven, at si Candice Ayesha sa papel na Sarah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …