Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

Sa Bulacan
2 MATRONANG TULAK TIKLO SA SHABU

Nasakote ang dalawang matandang babaeng pinaniniwalaang sangkot sa bultong pamamahagi ng shabu matapos ang matagumpay na buybust operation sa loob ng isang fast food chain sa Brgy. Borol 1st, Balagtas, Bulacan, nitong Lunes, 28 Hulyo.

Kinilala ng hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan ang mga naarestong suspek na sina alyas Rosa, 44 anyos, at alyas Tere, 65 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabi na may timbang na 150 gramo at marked money na ginamit ng undercover PDEA agent.

Ayon sa PDEA, ang mga naarestong suspek ay nakatala bilang high-value target (HVTs) at nasa ilalim ng surveillance mula pa noong unang linggo ng buwang ito.

Ang mga narekober na ipinagbabawal na gamot ay ipapasa sa PDEA RO3 laboratory para sa qualitative at quantitative examinations.

Ang sting operation ay isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office, Bulacan PPO-Provincial Intelligence Unit (PIU), at Balagtas MPS.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng section 26B (conspiracy to sell drugs) sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …