Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Misis inumbag, tinutukan ng baril, mister timbog sa Angat, Bulacan

NAGWAKAS ang kalbaryong dinaranas ng isang ginang  mula sa kaniyang asawa nang arestuhin ng mga awtoridad matapos niyang ireklamo ng pang-aabuso sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Cap. Jayson Viola, hepe ng Angat MPS, ang inarestong suspek ay isang 35-anyos na lalaking residente ng Brgy. Sulucan, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nagsumbong ang 34-anyos na ginang mula sa Brgy. Taboc, kaugnay sa pisikal at verbal na pang-aabuso ng suspek.

Matapos matanggap ang reklamo, agad rumesponde ang mga tauhan ng Angat MPS at naaresto ang suspek dakong 11:45 ng gabi kung saan ay nakumpiska  mula sa kaniya ang isang 9mm Pietro Beretta na may magazine at siyam na bala.

Napag-alaman na laging sinasaktan ng suspek ang kaniyang misis na sinasabihan pa ng masasakit na salita.

Bukod dito, nagdulot ng malaking takot sa biktima ang pagtutok ng baril sa kaniya ng suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang mga kaukulang kaso na paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition) na isasampa laban sa kaniya.

Samantala, pinuri ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang mabilis na aksyon ng Angat MPS at muling iginiit ang paninindigan ng Bulacan PNP sa pagprotekta sa karapatan ng kababaihan at kabataan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …