ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De Gato, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Miyekoles ng madaling araw, 23 Hulyo.
Ayon kay P/Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Marilao MPS, naaktuhan ang mga arestadong suspek habang nasa kainitan ang paghitit ng marijuana.
Nasamsam mula sa kanila ang 134.2 gramo ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P16,104; drug paraphernalia; at isang kalibre .38 revolver na walang serial number at may lamang dalawang bala.
Dinala ang mga suspek at mga piraso ng ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri.
Gayundin, nnihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 na isasampa laban sa mga suspek.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com