Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan PDRRMO NDRRMC

13 bayan, lungsod sa Bulacan lubog sa tubig baha, Tulay sa San Miguel-DRT bumigay

MARAMING lugar sa Bulacan ang nananatiling lubog sa tubig-baha hanggang nitong Martes, 22 Hulyo, habang patuloy na hinahagupit ang lalawigan ng malakas na pag-ulan na dala ng habagat, na sinasabayan pa ng high tide.

Isa sa pinakamatinding sinalanta ng pagbaha ay ang bayan ng Marilao kung saan umabot ang tubig hanggang sa ikalawang palapag ng bahay ng mga residente.

Bunsod nito, may mga residente sa lugar ang gumagamit na ng motor pump upang matanggal ang mga tubig-baha sa loob ng kanilang kabahayan.

Sa bayan ng Marilao, kahit panahon ng tag-araw at umiral ang high tide ay binabaha na ang ilang lugar kaya halos sanay na ang mga residente sa nararanasang pagbaha.

Ayon sa ulat mula sa provincial government ng Bulacan, 13 bayan at lungsod sa lalawigan ang apektado ng tubig-baha tulad ng Hagonoy, Calumpit, Balagtas, Bocaue, Paombong, Meycauayan City, Guiguinto, Malolos City, Bustos, San Ildefonso,Bulakan, Baliwag City at Marilao.

Simula 1:00 ng hapon nitong Lunes, 21 Hulyo, nasa 900 pamilya o mahigit 2,000 indibidwal ang inilikas sa buong lalawigan.

Hinihimok ng mga lokal na opisyal ang mga residente lalo na ang mga nasa mababang lugar at malapit sa mga ilog na manatiling alerto kasunod ang pagtiyak sa publiko na nananatiling stable ang level ng mga dam sa lalawigan.

Sa pahayag ni Vice Governor Alexis Castro, ang Angat Dam ay hindi pa tumataas ang tubig at stable samantalang ang Bustos Dam, bagaman at nagpapakawala ng tubig pero minimal lang at ang Ipo Dam ay hindi level na critical o normal lang din sa pagpapalabas ng tubig.

Isang tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Doña Remedios Trinidad at San Miguel ang gumuho sa kasagsagan ng pag-ulan at pagbaha kamakalawa.

Sinasabing ang istruktura ay proyekto ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Walang naiulat na residenteng nasaktan o nasugatan sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …