Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan

Hudyat ng panibagong simula para sa sangay ng lehislatura
IKA-12 SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, PORMAL NA NAGSAGAWA NG PASINAYANG PAGPUPULONG

ISANG bagong kabanata ang pormal na nagsimula para sa sangay ng lehislatura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan matapos idaos ang kanilang pasinayang pagpupulong.

Sa pangunguna ni Bise Gobernador Alexis Castro, dinaluhan ang “Pasinayang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Panlalawigan at Paglalahad ng Kalagayan ng Lalawigan” ng lahat ng bagong halal at muling nahalal na mga Bokal na nagtipon sa Bulwagang Senador Benigno S. Aquino, Jr., ng Gusali ng Pamahalaang Panlalawigan at Lungsod ng Malolos.

Sa kaniyang talumpati, nanawagan si Castro ng pagkakaisa, transparency, at makabuluhang pagbabalangkas ng mga batas na kaakibat ng mas malawak na bisyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

“Tayo po sa Sangguniang Panlalawigan ay may tungkuling higit pa sa pagpasa ng mga batas. Tayo ay dapat maging haligi ng dangal, talino, at malasakit. Ang ating mga ordinansa at resolusyon ay dapat magmula sa puso para sa edukasyon ng kabataan, kaligtasan ng mga lansangan, katiyakan sa kalusugan, at kapakanan ng bawat Pamilyang Bulakenyo,” ani Castro, habang binibigyang diin ang mabigat na pananagutan ng Sangguniang Panlalawigan.

Binigyang diin din niya ang kaniyang paninindigan na papanagutin ang mga palpak na serbisyo tulad ng PrimeWater, tutulan ang nakasisirang epekto ng online gambling, at bigyang prayoridad ang rehabilitasyon ng mahahalagang imprastraktura gaya ng Marilao Interchange Bridge at Bustos Dam para sa kaligtasan, kagalingan, at pag-unlad ng lalawigan.

Samantala, binubuo ang Ika-12 Sangguniang Panlalawigan ng mga sumusunod na Bokal kabilang ang mula sa Unang Distrito, mga Bokal Michael M. Aquino at Romina D. Fermin, na nahalal bilang Minority Floor Leader; ang Ikalawang Distrito na kinakatawan nina Erlene Luz V. dela Cruz, na Majority Floor Leader at Lee Edward V. Nicolas; Ikatlong Distrito na sina Raul A. Mariano at Romeo “RC Nono” V. Castro, Jr.; Ikaapat na Distrito na kinakatawan nina Anna Kathrina M. Hernandez at William R. Villarica; Ikalimang Distrito na kinakatawan nina Richard A. Roque at Cezar L. Mendoza, na gumaganap bilang Assistant Majority Floor Leader; Ikaanim na Distrito na kinakatawan nina Renato DL. De Guzman, Jr. at Arthur A. Legaspi; at ang Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng San Jose del Monte na kinakatawan nina Enrique A. Delos Santos, Jr. at Efren C. Bartolome, Jr.

Kasama din sa lupon ng mga miyembro ang mga ex-officio Board Members na sina Francis Jerome G. Reyes, Pangulo ng Provincial Councilors League; Fortunato SJ. Angeles, Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lalawigan; Casey Tyrone E. Howard, Pangulo ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation; at Liberato P. Sembrano, ang Indigenous People Appointed Official.

Itinampok din ni Castro ang mga naisagawa ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan kabilang ang pagpasa ng 44 na ordinansa at 2,910 resolusyon mula sa 970 committee hearings at 10 public hearings na nilahukan ng mga miyembro ng sanggunian, mga opisyal ng pamahalaan, eksperto, at mga aktibong mamamayan.

Sa kabuuang 158 sesyong isinagawa, kanyang iginiit na ito ay patunay ng isang masigla at aktibong lehislatura na kaagapay ng ehekutibong sangay ng Pamahalaang Panlalawigan.

Matapos ang pasinayang sesyon, inilahad naman ni Gobernador Daniel Fernando ang kaniyang State of the Province Address kung saan tinalakay ang mga pangunahing programa sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan at kaunlaran, kapaligiran at tamang pamamahala sa basura, at kontrol sa pagbaha. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …