Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
No Firearms No Gun

Rider ng kolong-kolong timbog sa ‘di lisensiyadong baril

ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktuhang may sukbit na hindi lisensiyadong baril sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 15 Hulyo.

Ayon kay P/Lt. Col. Librado Manarang, Jr., hepe ng San Ildefonso MPS, kinilala ang suspek na si alyas Andrew, 32 anyos, at residente ng Brgy. Maasim, sa naturang bayan.

Nabatid na dakong :30 ng madaling araw kahapon habang nagsasagawa ng mobile patrol sa kahabaan ng by-pass road sa Brgy. Sapang Putik, namataan ng mga operatiba ng San Ildefonso MPS ang isang kolong-kolong na nakaparada sa madilim na bahagi ng daan.

Sa beripikasyon, naging kapuna-puna sa mga operatiba ang pagiging balisa ng driver at hindi nito naipakita ang anumang dokumento ng sasakyan.

 Habang kinakalkal ng suspek ang kanyang sling bag, napansin ng isang operatiba ang tila hawakan ng baril at nang kanilang siyasatin, natuklasan ang isang Armscor cal. .38 revolver na walang serial number at may apat na bala.

Agad na dinakip ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon habang inihahanda na ng San Ildefonso MPS ang kasong isasampa laban sa suspek sa tanggapan ng Provincial Prosecutor sa lungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …