Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Riding-in-tandem

Riding-in-tandem nangholdap ng restoran; 1 tiklo, kasabwat tinutugis

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, isang holdaper ang agad na naaresto sa insidente ng pagnanakawa sa Brgy. Kaypian, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Lunes ng gabi, 14 Hulyo.

Ayon kay P/Lt. Col. Reyson Bagain, hepe ng San Jose Del Monte CPS, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Man, residente ng Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong 10:20 ng gabi kamakalawa nang dumating ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa harap ng Samgyup199.

Tinutukan ng patalim ng isa sa suspek ang biktima at tinangay ang kita ng tindahan na tinatayang aabot sa P25,000 bago tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Dito na nakatanggap ng tawag ang lokal na pulisya at agad na nagsagawa ng follow-up operation hanggang naaresto si alyas Man dakong 10:55 ng gabi at narekober mula sa kaniya ang halagang P10,000 at ang ginamit na patalim.

Inihahanda na ng San Jose del Monte CPS ang kasong Robbery (Holdup) na isasampa laban sa naarestong suspek habang nagpapatuloy ang manhunt operation para sa pagkakaaresto ng kaniyang kasabwat.

Ang tagumpay na operasyon ay bunga ng masigasig na kampanya laban sa kriminalidad sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO at sa direktiba ni P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO3. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …