ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MALAKING tagumpay ang ginanap na OPM Con 2025 sa Philippine Arena last Saturday. Dumagsa rito ang fans kahit bumuhos ang malakas na ulan.
Tampok dito ang pinakamalalaking bituin sa OPM ngayon tulad ng BINI, SB19, Flow G, G22, KAIA, Skusta Clee, at SunKissed Lola-na nagtanghal sa punong-punong arena at nagtakda ng panibagong tagumpay ang Puregold sa tuloy-tuloy nitong pag-angat sa industriya ng entertainment.
Isa sa humataw nang husto at nagpakita ng pasabog na production number ay ang BINI, kasama si James Reid. Dumagundong sa grabeng super sa lakas na tilian ng fans sa venue nang lumabas sa stage si James na guest performer ng P-pop idol girl group.
Sa pagkakaalam namin ay unang pagkakataon na nakipag-collab ang BINI kay James na idolo pala ng nangungunang all-girl group sa bansa.
Game na game na nakipagsabayan sa BINI si James sa mash up nila ng “Secrets” ng BINI at “Di Bale” ng aktor.
Actually, sa sound check party pa lang sa nasabing event ay nagpasalamat na ang BINI sa mga sumugod sa malakas na ulan para matunghayan ang kanilang concert. Nangako sila na susulitin sa pamamagitan ng isang todo-bigay na pagtatanghal at ito nga ang kanilang ginawa.
Isa pa sa pasabog na nag-collab ay ang SB19 at ang former Rivermaya front man na si Rico Blanco sa awiting “Dungka”.
Kabilang sa bonus na nagpasaya nang husto sa fans si Yeng Constantino at ang bandang Mayonnaise.
Dito’y naranasan ng mga dumalo ang isang natatanging VIP experience na mayroon pang soundcheck party bago ang mismong konsiyerto.
Dagdag pa roon ang nag-uumapaw na freebies na ipinamahagi ng mga nangungunang brand gaya ng Nestle Bear Brand, Nestle Chuckie, Great Taste, Jack ‘n Jill, Cream-O, Coca-Cola, Nutriboost Kids, Nissin Wafer, Lucky Me!, Argentina, Angel, Tide, Safeguard, Cream Silk, Surf, Alaska, Doowee Donut, Del Monte Fruity Zing, Nestle Carnation, Nissin Noodles, Magnolia Cheezee, Purefoods, Champion, at Colgate.
Mula Luzon hanggang Mindanao, pinag-isa ng Puregold OPM Con 2025 ang mga Filipino sa pagdiriwang ng identidad, Pinoy pride, at musika.
“Matagal na kaming naniniwala na ang koneksiyon namin sa mga tagapamili ay higit sa pamimili at pagbabayad sa checkout counter,” pagbabahagi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Ipinagpapasalamat naming malaman na sa pamamagitan ng Puregold OPM Con 2025, nakapagbigay kami sa aming mga tapat na miyembro ng hindi-malilimutang selebrasyon ng musika, talento, at pagmamalaking maging Pinoy sa massive scale,” aniya pa.
Wika ni Piedad, “Puregold is about building meaningful experiences for the communities we serve.”
At higit sa isang konsiyerto, naging matagumpay at pinakapinag-uusapang kaganapang pangmusika ng taon ang Puregold OPM Con 2025.
Para sa mga susunod pang updates, mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com