NADAKIP ang tatlong indibiduwal, kabilang ang dalawang nakatalang most wanted persons, sa magkakahiwalay na manhunt operations na ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan.
Unang naaresto ng Hagonoy MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Aldrin Thompson, sa Brgy. Iba, Hagonoy ang suspek na kinilalang si alyas Aldin, No. 1 Most Wanted sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong Rape na inisyu ng Malolos City RTC Branch 10.
Gayondin, naaresto ng 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jerome Jay Ragonton ang suspek na kinilalang si alyas Mich, No. 1 Most Wanted ng Pandi sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Homicide na inisyu ng Malolos City RTC Branch 78.
Nakorner ng Bustos MPS sa pamumuno ni P/Maj. Mark Anthony Tiongson ang suspek na kinilalang si alyas Chelle sa kasong paglabag sa BP 22 (Bouncing Check Law).
Pahayag ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang serye ng mga pag-aresto ay patunay sa dedikasyon ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay hustisya sa mamamayan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com