PATAY ang isang hindi kilalang lalaki na hinihinalang nakainom dahilan upang hindi nakalabas sa nasusunog na inuupahang silid sa Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Sa report ng QC Fire Department, dakong 2:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa sa ikalawang palapag ng 2-storey residential at commercial building na sinabing lumang gusali sa kanto ng Zambales St., sa Barangay San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakita umano ng mga kapitbahay na umuwing lasing ang biktima kaya posibleng hindi ito nagising habang nasusunog ang kaniyang inuupahang silid.
“Nakalabas na ‘yung ibang residente doon pero tanging ang ‘di pa nakikilalang boarder ang hindi nakalabas,” ayon sa report.
Agad naapula ang apoy makalipas ang 40 minuto.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na umabot sa unang alarma. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com