Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Negosyante, kasosyo arestado sa pagbebenta ng vape products

ARESTADO ang isang negosyante at kasosyo nitong babae sa vape raid na isinagawa ng mga awtoridad sa Sitio Cabio Bakal, Bgy. Balucuc, Apalit, Pampanga.

Sa ulat kay Criminal Investigation and Detection Group 3 regional chief Col. Richard Bad-Ang, CIDG Bulacan Provincial Field Unit, sa pakikipag-ugnayan sa CIDG PFU Pampanga at Pampanga police, ay nagpatupad ng “Oplan Megashopper” raid.

Sa naturang operasyon ay naaresto sina alyas “Tams,” 33, isang negosyante; at alyas “Lalaine,” kapwa residente ng Bgy. Balucuc, Apalit, Pampanga.

Ayon kay Bad-Ang, nasamsam sa raid ang 57 kahon, bawat isa ay naglalaman vape products tulad ng  Black Elite; EB Desire; “Vapore Elite V2”; PSG”; Cigbay”; flava oxbar battery, cigbay catridge, raid battery, sirius, vape juicechillax, jazz, relx, ex-so gamma, EB Desire Pods; at mga resibo ng waybill.

Dagdag pa ni Bad-Ang na ang tinatayang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya sa isinagawang raid ay hindi bababa sa P250,000.

Dinala ang mga suspek sa CIDG Bulacan PFU at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …