NASAKOTE ang limang indibiduwal na may mga kasong kriminal sa magkakahiwalay na operasyon kontra mga wanted na personalidad sa Bulacan kahapon.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin P. Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nagsilbi ng warrant of arrest ang San Jose Del Monte City Police Station sa No. 5 most wanted persons (MWPs) sa city level na kinilalang si alyas Ward, 40 anyos, sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ang akusado ay nahaharap sa kasong New Anti-Carnaping Act of 2016 (R.A 10883) na inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 121, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan noong 28 Mayo 2025.
Sa sunod-sunod na manhunt operations na isinagawa ng tracker team mula sa San Jose Del Monte, Marilao, San Miguel, at Bocaue ay naaresto ang apat pang MWPs sa bisa ng warrant of arrest.
Kinilala ang mga naaresto sa mga pangalang alyas Garry, naaresto sa kasong Robbery; alyas Cedric, sa kasong Attempted Homicide; alyas Tito Udyok sa kasong Rape; at alyas John sa kasong RA 9262 o kilala sa Anti‑Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units ang mga naarestong MWPs para sa tamang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com