Thursday , August 21 2025
P307-M imported na asukal nasabat sa Bulacan

P307-M imported na asukal nasabat sa Bulacan

HINDI bababa sa P307 milyong halaga ng imported na asukal ang nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagsalakay sa tatlong magkahiwalay na mga warehouse sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan.

Sa kanilang pahayag nitong Sabado, 7 Hunyo, sinabi ni CIDG officer-in-charge P/Col. Ranie Hachuela, nasa 95,568 sako ang nadiskubre sa loob ng tatlong bodega sa isang industrial park sa Brgy. Perez, sa nabanggit na lungsod.

Aniya, ang ilegal na pag-iimbak ng mga produktong pang-agrikultura ay ipinagbabawal ng batas dahil nakaaapekto ito sa presyo sa merkado.

Isinigawa ang mga operasyon ng CIDG-Bulacan at iba pang police units sa bisa ng search warrant na nakuha sa tulong ng Department of Agriculture Inspectorate Enforcement (DA-IE) ​​at Sugar Regulatory Administration.

Dagdag ni Hachuela, ang mga operasyon ay binibigyang-diin ang kanilang paninindigan laban sa pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura at pang-ekonomiyang sabotahe.

Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoriad ang kasong paglabag sa RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 na isasampa laban sa mga sangkot na suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …