SWAK sa piitan ang 33-anyos tricycle driver na nakompiskahan ng mahigit P4 milyon halaga ng shabu na idedeliber sa Dasmariñas City, Cavite nitong Martes ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dakong 1:55 ng hapon nitong Martes, 3 Hunyo, nang maaresto ang suspek na kinilalang si alyas Acmad, 33, tricycle driver, residente sa Brgy. Datu Esmael.
Matapos ang surveillance, nagsagawa ng joint buybust ang mga tauhan ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Laguna Provincial Office, at PNP Cavite Maritime Police Station laban sa suspek na isang high-value drug personality sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite.
Nakompiska sa suspek ang mahigit 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4,080.000 at buybust money.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com