Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Electrician gustong maka-iskor ulit sa grade 12 student, kinalawit ng parak

INARESTO ng mga operatiba ng pulisya ang isang 43-anyos lalaking electrician sa reklamong tangkang panggagahasa sa isang dalagitang estudyante sa Santa Maria, Bulacan kamakalawa, 31 Mayo.

Sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director PBGen Jean S. Fajardo, ang suspek ay kinilalang si alyas Ariel, isang electrician, binata, tubong Negros Oriental at naninirahan sa Brgy. Bulac, Santa Maria.

Samantala, ang biktima na itinago sa pangalang Jhanell, 17 anyos, Grade 12 student, residente sa Brgy. San Pedro, San Jose Del Monte City, ay inalalayan ng kanyang ama na si Atan para magreklamo sa himpilan ng pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga operatiba ng Santa Maria MPS, inamin mg biktimang una siyang nakipagtalik kay alyas  Ariel kapalit ng pera at ang kanilang pagtatalik ay nai-video ng suspek.

Kamakalawa, gustong umulit ng suspek kaya inimbitahan niyang muli ang biktima sa kanyang bahay at binantaang kapag tumangging sumama ay ikakalat ang kanilang video.

Sa takot ay sumunod ang biktima pero sa pagkakataong ito ay labag sa kanyang kalooban ang gustong mangyari ng suspek na sinimulan siyang hawakan sa pribadong bahagi ng kanyang katawan na may layuning halayin siya.

Sa kabutihang palad, nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na hawakan ang kanyang cellphone para i-message ang kanyang nobyo at humingi ng tulong.

Agad nagpaalam sa kanyang pamilya at humingi ng tulong sa mga barangay tanod ng Brgy. Bulac ang nobyo na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria MPS ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong  attempted rape alinsunod sa RA 7610 sa Office of Provincial Prosecutor, Malolos City, Bulacan samantala ini-refer ang biktima sa Santa Maria MSWDO para sa counseling. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …