I-FLEX
ni Jun Nardo
ISANG matapang na tanong ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw.
Nakalagay ang pangalang, “Sam Versoza, Xian Gaza, Pebbles Cunanan, Makagago at iba pang nagpakalat ng libelous statement para siraan si Yorme, mahaharap sa patung-patong na kaso?”
Binasa namin ang ilan sa comments at nakita namin ang comment na, “Bakit biglang binura ni Xian Gaza ang kanyang post na TSISMIS daw? Walang dapat ikatakot kung tama ang ginagawa.”
Eh nang basahin ang post na na-save sa Yorme’s Choice page, naku, lawyer na lang ang bahala tungkol sa sinabi niyang tsimis.
Binaggit niya si Sam na babaero umano. Mas okay namana daw ito kaysa corrupt, huh!
Matapang silang maglabas ng tsismis kaya tapangan din nila ‘pag nasa korte na sila, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com