Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng nanalo sa EastWest Puregold 1M Cash Credit Promo — at wow, isang masuwerteng cardholder ang nag-uwi ng P1-M sa cash credit, habang iba pa ang naka-score ng tig-P100K.

Ginawa ang promo para magpasalamat sa mga suki ng EastWest. Simula December 31, 2024, bawat single receipt na nagkakahalaga ng P3,000 sa Puregold ay may kasamang automatic e-raffle entry. Wala nang ibang kailangang gawin — basta’t umabot sa tamang halaga, pasok ka na sa raffle.

At hindi lang sa mga taga-Metro Manila. Galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang mga nanalo — patunay na ginawa ng EastWest ang lahat para maabot ang bawat sulok ng bansa at mas mapalapit pa sa kanilang cardholders.

Ang grand prize winner ng P1-M cash credit ay si Carl Joseph Esteban samantalang ang mga nakasungkit ng tig-P100,000 ay sina: Joseph Winston Santos, Jeffrey Ong, Joan Vigo, Marissa Layacan, Kayzele Garolacan, Joselle Aguilar, Diane Kathleen Rivera, at Leah de Leon.

Sa EastWest, bawat swipe may dagdag saya. Gusto nilang gawing sulit at rewarding ang bawat gastos — mapa-grocery, bills, o simpleng shopping-spree lang.

Sabi nga ni Mia Tamayo, Senior Vice President at Head ng Credit Cards ng EastWest:

“We’re always looking for ways to give back to our customers who trust EastWest for their financial needs. Partnerships like this allow us to create meaningful rewards that truly benefit our cardholders.”

At hindi ito ang huli. Buong taon, abangan ang mga pa-promo, perks, at exclusive deals ng EastWest credit cards — pang-shopping, pang-travel, o kahit pang-lifestyle, may panalong alok para sa ’yo. 

Sa kabilang banda, hindi makapaniwala si Carl Joseph na siya ang grand winner.

“Sobrang thankful at sobrang saya ko po! ’Di ko inakala na ako ang mananalo ng P1-M na cash credit mula sa EastWest at Puregold. Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin. Napakagandang blessing talaga — sakto rin ang dating, malaking tulong ito sa negosyo ko. Kaya sobrang thank you, EastWest at Puregold. Hindi ko makakalimutan ’to.”

Congratulations sa lahat ng nanalo! At maraming salamat sa lahat ng sumali — tiyak hindi ito ang huling panalo ninyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …