Saturday , July 26 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito ng pagiging malikhain ng Filipino, ng ating kultura, at ng kabuhayan ng libo-libong tsuper at operator. Kaya tama lang ang panawagan ni Senador Lito Lapid na panatilihin ang tradisyonal na jeepney sa kabila ng isinusulong na modernisasyon ng public utility vehicles (PUVs).

Hindi naman kontra si Lapid sa pag-unlad. Sa totoo lang, suportado niya ang modernisasyon basta’t ito’y makatao, makabayan, at abot-kaya. Sabi nga niya, posible namang i-modernize ang jeepney—lagyan ng aircon, gawing de-koryente, at gawing mas ligtas—pero mananatiling kapareho pa rin ng itsurang kinasanayan nating lahat.

Habang sinusuri ang pagpapatupad ng modernization program, iginiit din ni Lapid na suportahan ang mga local manufacturer na kayang gumawa ng modernong jeepney na Tatak Pinoy pa rin. Dito papasok ang tunay na “Filipino First” policy—hindi lang natin tinutulungan ang mga tsuper at operator, kundi pati na rin ang mga manggagawang Filipino sa likod ng produksiyon.

Tama rin ang punto ng mga transport group: masyado nang mahal ang mga imported na modern jeep na para bang mini-bus, pero walang sapat na subsidiya. Paano makababangon ang maliliit na operator kung ganyan ang sistema?

Kaya makabuluhan ang mensahe ni Lapid. Hindi kailangang burahin ang jeepney para lang masabing tayo’y modern. Ang tunay na modernisasyon ay ‘yung hindi naiiwan ang ordinaryong Filipino—at hindi kinakalimutan ang ating kultura.

Sa halip na pilitin ang banyagang modelo, bakit hindi tayo gumawa ng sariling bersiyon? Makabago, pero gawang Filipino. Moderno, pero may puso.

Hindi lang sasakyan ang jeepney—isa itong paalala kung sino tayo. Kaya imbes itapon ito sa kasaysayan, gawin natin itong bahagi ng kinabukasan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …