Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang may pinakamalaking iniangat — mula 17% noong Marso, umakyat siya sa 24% ngayong Mayo. Malaking 7-point jump na nagpapalapit sa kanya sa magic 12.

Hindi ito simpleng pag-akyat. Matagal na siyang kilala sa serbisyo publiko bilang mayor, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, at DILG secretary. May maayos siyang track record, at ngayon ay may dalang platapormang konkretong tumutugon sa mga pangunahing isyu ng mamamayan.

Malaki rin ang naitulong ng suporta mula sa ilang kilalang personalidad— gaya ni dating Bise Presidente Leni Robredo, Vice Ganda, at dating Senate President Franklin Drilon. Pati mga samahan ng lokal na opisyal gaya ng League of Municipalities of the Philippines at Union of Local Authorities of the Philippines ay nagpahayag ng suporta.

Pero ang mas mahalaga, malinaw ang mga isyung nais niyang unahin: pagtanggal ng Value-Added Tax sa koryente at langis, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law para makabalik ang National Food Authority sa pagbili ng palay, at proteksiyon sa karagatan laban sa mga dambuhalang commercial fishing vessels. Dagdag pa rito ang mga programang pabahay para sa mahihirap at overseas Filipino workers (OFWs).

Tahimik man ang estilo ni Abalos, hindi nangangahulugang wala siyang ginagawa. Hindi siya maingay sa media, pero consistent sa pagtatrabaho.

Ngayong papalapit na ang halalan, ang tanong: sino sa mga kandidato ang may track record, suporta mula sa iba’t ibang sektor, at konkretong plano? Kung pagbabatayan ang mga datos at plataporma, si Benhur Abalos ay malinaw na isa sa mga karapat-dapat mapabilang sa Senado. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …