Friday , August 1 2025
PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa iba’t ibang polling precincts sa Gitnang Luzon simula pa noong Linggo, 4 Mayo, bilang bahagi ng pinaigting na seguridad at kahandaan para sa nalalapit na halalan sa Lunes, 12 Mayo.

Kabilang sa mga ipinakalat ay hindi lamang ang mga tauhan na mula sa iba’t ibang police stations, kundi maging ang mga personnel mula sa regional at provincial headquarters, upang tiyakin ang maayos, mapayapa, at ligtas na pagdaraos ng eleksiyon sa buong rehiyon.

Ayon kay P/BGen. Jean Fajardo, regional director ng PRO3, ang malawakang deployment ng pulisya ay bahagi ng kanilang mandato na tiyakin ang isang ligtas, malaya, at mapanagutang eleksiyon.

Aniya, nakatutok sila hindi lamang sa seguridad ng mga presinto, kundi pati na rin sa pagbibigay proteksiyon sa karapatan ng bawat botante.

Dagdag ng opisyal, naka-full alert status ang buong rehiyon at mahigpit ang koordinasyon ng PRO3 sa COMELEC, AFP, at iba pang ahensiya upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa mga insidente na maaaring makasagabal sa proseso ng halalan.

Hinikayat din ng PRO3 ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad ireport ang mga kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa panahon ng eleksiyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …

Goitia Bongbong Marcos BBM

Makatotohanang paglilinis ng gobyerno pangako ni  PBBM

ITO ang matapang at deretsong pahayag ng suporta ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, …

Baha

Dr. Lagmay: Basura, topograpiya at pagbaba ng water level, sanhi ng pagbaha sa Metro Manila

PAGIGING pinakamalaking floodplain at taunang pagbaba ng water level gayundin ang tone-toneladang basurang bumabara sa …