Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina Senator Imee Marcos at House Deputy Speaker Camille Villar dahil nasa ilalim pa rin ang dalawa sa mga lumabas na bagong pre-election survey, wala nang isang linggo bago ang halalan sa Lunes.

Nakatatawa lang na nagmistulang mga laos na rockstar sina Sara at Imee sa “Itim” TV ad nila pero wala rin nangyari sa kanilang tandem. Habang nagpa-rebond pa si Camille sa kanyang commercial pero wala talagang talab ang endorsement sa kanya ng Bise Presidente.

Sa Pulse Asia survey na ginawa noong April 20-24, si Imee ay nasa malayong Rank 14-18 at may voter preference lang na 24.7% habang nasa mabuway na Rank 9-14 si Camille at may mababang voter preference na 28.3%.

Kung si Imee ay “dead on arrival” na sa May 12 elections, si Camille naman ay puwedeng palabasin ng winning circle. Nakabuntot kasi sa kanya ang parehong malakas na mga dating senador na sina Manny Pacquiao at Bam Aquino. Nagbabanta rin manalo si dating Interior Secretary Benhur Abalos dahil pataas ang ratsada sa mga natitirang linggo ng kampanya.

Talo rin naman pala sina Imee at Camille pero napakasaklap na itinaya nila ang kanilang loyalty at paninindigan para isang endorser na wala naman palang asim.

Kaya tama si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na isang “kiss of death” ang paghingi ni Imee ng endorsement kay Sara. Nagkatotoo na nga.

Noon pa sinasabi ni Gadon na wala namang tao at makinarya ang mga Duterte kung kaya malabong makapagpanalo ng mga kandidato ngayong halalan.

Bigay-diin pa ng kalihim, kaya nag-VP na lang si Sara noong 2022 presidential elections dahil alam nito na hindi siya mananalo kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sising-sisi siguro ngayon sina Imee at Camille kung bakit pa nila tinalikuran ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na may sapat na pondo at malawak na makinarya sa buong bansa, at higit sa lahat, may brand na “Bagong Pilipinas” kung saan nakare-relate ang nakararaming botante.

Sa posibleng pagkatalo nina Imee at Camille, lalong nawalan ng numero si Sara sa pagharap sa Senado para sa kanyang impeachment case.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …