Friday , August 22 2025
Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) sa Lunes, 12 Mayo 2025.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ilang araw bago ang halalan ay halos 100% na ang delivery ng automated counting machines (ACMs).

Samantala, nagsimula kahapon ang delivery ng huling batch ng mga official ballots para sa National Capital Region (NCR), na aabot sa 7.5 milyon.

Ayon kay Garcia, una nilang naipamahagi sa mga treasurer’s office ng mga munisipyo at siyudad ang mga balota para sa iba pang rehiyon sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

Nitong Martes, kabilang sa mga unang dinalhan ng mga balota ay ang Caloocan, Marikina, Pasig, Valenzuela, Quezon City, Malabon, Navotas, at San Juan cities.

Sisimulan ngayon Miyerkoles, 7 Mayo, ang shipping ng mga balota para sa Muntinlupa, Pateros, Taguig, Maynila, Makati, Pasay, Las Piñas, Mandaluyong, at Parañaque. Ihahatid ang mga official ballots sa treasurer’s office ng bawat lungsod.

Sa pangangasiwa ng electoral board members, ipamamahagi ang mga balota sa voting precincts na sisimulan sa Linggo, 11 Mayo, hanggang sa umaga ng araw ng halalan sa Lunes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Bintang itinanggi kasabay ng resignasyon
VAPE NA AMOY UBAS HINDI MARIJUANA ­— NADIA MONTENEGRO

NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla ang aktres na …

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …