Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

050725 Hataw Frontpage

HATAW News Team

DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa human trafficking habang nasagip ang 10 biktima sa pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang palaisdaan sa Sual, Pangasinan nitong 1 Mayo.

Iniharap ng NBI ang mga suspek na sina Zhonggang Qui, Wenwen Qui, alyas Angielyn, alyas Maricelle, at alyas Jay, na pawang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), na inamyendahan ng RA 10364 at RA 11862, R.A. 9231 (An Act Providing For The Elimination of The Worst Forms of Child Labor), RA 8550 (The Fisheries Code of the Phi­lippines), at RA No. 12022 for Economic Sabotage.

Ayon sa NBI nakatanggap sila ng intelligence report laban sa isang Hou Shillian, na may mga empleyadong menor de edad kabilang ang ilang undocumented foreign nationals, na ikinukulong sa kanyang compound sa Brgy. Baquioen, Sual, Pangasinan kaya agad sinalakay ang lugar.

Sinabi ng mga biktima na matapos silang irekrut mula sa Northern Samar, napilitan sila sa mapanganib na trabaho sa paghahakot ng feeds patungo sa fish cage sa Lingayen Gulf.

Hindi rin rehistrado ang fish pen na nagdudulot ng panganib sa kapaligiran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …