Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) ang isang drug pusher na kabilang sa high value individual (HIV) makaraang  makompiskahan ng P408,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buybust operation kahapon sa lungsod.

Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn G. Silvio, QCPD Officer-In-Charge at Deputy District Director for Administration mula kay PLt. Col. Ramil Avenido, PS6 station commander, ang nadakip ay kinilalang si alyas Jun, 52 anyos, residente sa Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang PS6 sa mga residente ng Barangay Matandang Balara kaugnay sa ilegal na aktibidad ni alyas Jun dahilan upang isailalim siya sa isang police surveillance.

Ayon kay Avenido, nang magpositibo ang impormasyon, agad ikinasa ng estasyon ang buybust operation laban sa suspek.

Dakong 5:30 ng umaga, 5 Mayo 2025, dinakip si alyas Jun nang bentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000, ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang karagdagang shabu kaya umabot sa 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000 ang nakuha sa suspek.

Bukod diyan, nakompiska kay alyas Jun ang isang cellular phone, isang  blue coin purse, at ang buybust money.

Ayon kay Avenido, kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Quezon City Prosecutor’s Office.

“I commend the operatives of PS 6 led by P/Lt. Col. Romil Avenido for the immediate arrest of the suspect and the seizure of the pieces of evidence. The QCPD will remain firm in performing its mandate to keep Quezon City peaceful and drug-free,” pahayag ni P/Col. Silvio. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …