Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted persons (MWPs) ang matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Angeles City kamakalawa.

Bandang 11:33 ng umaga, sa kahabaan ng Bonifacio Street, Brgy. Población, Sta. Maria, Bulacan, inaresto ng mga operatiba mula sa San Jose Del Monte City Police Station si Reynaldo Gonzales y Jabie, alyas Intoy, 59 anyos, may-asawa, vendor, residente sa Brgy. Fatima IV, CSJDM, Bulacan.

Pangunahing suspek si Gonzales sa pagpatay kay Roderick Constantino, isang insidenteng ayon sa imbestigasyon ay may kinalaman sa alitang may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ang operasyon ay isinagawa batay sa warrant of arrest para sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. 827-M-2025, na inilabas ni Judge Lyn L. Llamasares-Gonzalez ng RTC Branch 120, SJDM City, Bulacan na walang piyansang inirekomenda.

Sumunod dito, bandang 1:30 ng hapon, naaresto si Jestoni Francisco y Ambay, 23 anyos, residente sa Brgy. Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro, sa Bayanihan Park, Brgy. Balibago, Angeles City.

Nahaharap si Francisco sa dalawang kaso ng Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case Nos. R-24-12320 at R-24-12321, na inilabas ni Judge Ruben Evangelista Sevillano Jr., ng RTC Branch 45, San Jose, Occidental Mindoro noong 28 Enero 2025. Walang piyansang inirekomenda sa kanyang kaso.

Ayon kay PRO3 Director P/BGeneral Jean S. Fajardo, ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons ay resulta ng mas pinaiigting na intelligence coordination at inter-unit collaboration. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …