Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suspensiyon vs Solid North Transit iniutos ng DOTr sa LTFRB

050325 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA

INIUTOS ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suspendehin ang operasyon ng Solid North Transit Incorporated matapos masangkot ang isa sa mga bus nito sa karambola ng maraming sasakyan sa bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong Huwebes, 1 Mayo 2025.

Kinompirmang 10 katao, kabilang ang apat na bata, ang namatay, habang 37 iba pa ang nasugatan sa banggaan ng mga sasakyan sa SCTEX Toll Plaza sa Tarlac City.

Sa isang pahayag, sinabing inutusan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang LTFRB na maglabas agad ng suspension order laban sa Solid North Bus, kasunod ng malalang aksidente sa kalsada sa SCTEX.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Lt. Col. Romel Santos, hepe ng Tarlac Provincial Police Office, nasa kustodiya nila ang driver ng bus na nagpahayag na siya ay nakatulog sa likod ng manibela.

Lumabas sa imbestigasyon na ang bus ng Solid North Transit Inc., ang unang bumangga sa van na nakapila sa toll plaza, at nagdulot ng domino effect sa mga kasunod na sasakyan.

Napag-alaman na ang Solid North Transit Inc., ang bumangga sa apat na sasakyan na nakahinto sa toll plaza ng SCTEX at naghihintay sa kanilang pagkakataon para magbayad sa toll booth.

Pagdating ng Solid North Transit, una nitong binangga ang Nissan Urvan na binangga naman ang Kia Sonet.

Sa huli ay tumama ang Kia Sonet sa tractor head, at ang tractor head ay tumama sa Toyota Veloz.

Dinala sa Tarlac Provincial Hospital ang mga namatay habang kabilang sa mga nakaligtas na ginagamot sa emergency room ay isang batang paslit, na pinaniniwalaang nasa pagitan ng dalawa hanggang tatlong taong gulang.

Sa ulat ay umiiyak ang bata habang hinahanap ang kanyang mga magulang, na sa kasamaang palad ay kapuwa namatay sa aksidente.

Buhay ang driver ng van, kung saan nagmula ang karamihan sa mga nasawi, ngunit hindi makausap nang maayos.

Ayon sa pamunuan ng ospital, makikita sa mga nakuha nilang identification cards (IDs) na karamihan sa mga nasawi ay mula sa Antipolo City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …