Monday , August 11 2025
Arrest Shabu

Drug den sa NE nilansag, 5 tulak timbog

ARESTADO ang limang indibiduwal sa loob ng isang makeshift drug den habang nasamsam ang tinatayang P88,400 halaga ng hinihinalang shabu kasunod ng ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Barangay Talipapa, Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 29 Abril.

Kinilala ng PDEA Nueva Ecija Provincial Officer ang mga suspek na sina alyas ​​San, 49 anyos; alyas Dict, 28 anyos; alyas Del, 29 anyos; alyas Son, 32 anyos; at alyas Ton, 34 anyos.

Nakuha sa operasyon ang tinatayang 13 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P88,400; samot-saring drug paraphernalia; at buybust money.

Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office, PDEA RO3 Special Enforcement Team, at PNP Special Action Force.

Dadalhin ang mga nakompiskang ebidensiya sa PDEA RO3 laboratory para sa forensic examination habang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …