Sunday , July 27 2025
Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

Pasong grocery goods iniimbak para ibenta Bodega sa Tarlac sinalakay

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) -Tarlac District Office ang isang bodegang nag-iimbak ng mga pasóng grocery items at pinapalitan ang expiration date upang magmukhang bago at maibenta sa mga sari-sari store sa Capas, lalawigan ng Tarlac.

Ayon kay NBI head agent Johnny Logrono, isang impormante ang nagsumbong sa kanila tungkol sa ilegal na gawain sa bodega.

Dagdag ni Logrono, ipinagbigay-alam sa kanila ng impormante na ang ilang mga grocery items partikular ang mga produkto tulad ng gatas, noodles at tsokolate ay mga pasóna at nilagyan ng mga bagong label saka ibinebenta para sa pampublikong konsumo.

Sa bisa ng search warrant, tumambad sa mga operatiba ang kahon-kahong expired na produkto kabilang ang mga gatas, noodles, mayonnaise, at tsokolate.

Nakita na ang ilan sa mga produkto ay taong 2023 pa na-expire at ibinabagsak sa iba’t ibang pamilihan sa mas murang halaga.

Dagdag ni Logrono, mismong sa loob ng bodega naglalagay ng bagong label at binubura muna ang mga expiry date.

Ang nakatatakot aniya dito, ang mga mamimili sa mga sari-sari store ay hindi na tumitingin sa mga expiry date dahil mura ngunit hindi nila alam na ang nakakain nila ay expired na mga produkto at maaaring maging sanhi pa ng food poisoning o diarrhea.

Tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng mga expired items ang nasamsam na pawang hindi na ligtas kainin.

Nabatid na wala ang may-ari ng bodega nang gawin ang pagsalakay ngunit sasampahan ng mga kasong paglabag sa Consumer Act at Food and Drug Administration Act.

Paalala ng NBI sa mga bumibili ng mga produkto ng mga special milk products at iba pang grocery items, pakasiguradohin kung ito ay mga bago dahil kung expired na ay delikado sa kaluusgan at kaligtasan ng consumers. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …