Friday , August 15 2025
Arrest Shabu

P2.1-M droga nasamsam, 3 HVI tiklo sa Bataan

SA PATULOY na kampanya laban sa ilegal na droga ng PRO3, nakompiska ang tinatayang P2,152,200 halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buybust operations sa Abucay at Balanga, sa lalawigan ng Bataan nitong 26-27 Abril.

Sa unang operasyon noong 26 Abril, dakong 11:45 ng umaga, nadakip ng mga operatiba ng SDEU ng Abucay MPS sa Brgy. Capitangan ang mga suspek na kinilalang sina alyas Alvin at alyas Izon, parehong nakatalang high-value individuals (HVI) at residente sa Brgy. Mabatang, sa nabanggit na bayan.

Nakompiska mula sa kanila ang 66.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P452,200.

Sa sumunod na operasyon nitong 27 Abril, dakong 11:20 ng gabi, naaresto ng mga operatiba ng Balanga CPS ang isa pang high-value individual na si alyas Aldrin, 28 anyos, sa Brgy. Bagong Silang, Balanga.

Nakompiska mula sa suspek ang walong sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 250 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,700,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga suspek ng kani-kanilang mga police stations habang inihahanda ang kaukulang mga kasong isasampa laban sa kanila.

Ayon kay P/BGen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, hindi natutulog ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Aniya, sa bawat araw — maging Sabado o Linggo — ang pulisya sa Gitnang Luzon ay buong tapang na isinasagawa ang mga operasyon upang iligtas ang mga komunidad mula sa banta ng ilegal na droga. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Maria Catalina Cabral Manuel Bonoan

Usec Cabral, papalit kay DPWH Sec. Bonoan?

MAY napili nang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highway (DPWH) si Pangulong …

Comelec Elections

Election laws nilabag
2 tauhan ni  Lino Cayatano kinasuhan sa Comelec

MATAPOS  matalo sa laban para sa congressional seat sa Unang Distrito ng Taguig, dalawang malalapit …

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …