Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DANIEL FERNANDO Bulacan

Kaugnay sa isyu ng ‘preso caballeros’
Provincial jail warden ng Bulacan pinagbibitiw

NAIS ni Bulacan Governor Daniel Fernando na magbitiw  na sa kanilang puwesto ang provincial jail warden ng Bulacan at ilang jail guards o harapin na masuspinde sila dahil sa maanomalyang aktibidad sa nasabing piitan.

Ayon sa gobernador, inatasan niya ang Provincial Legal Office at ang Provincial Administrator na magsagawa ng imbestigasyon at magpatupad ng preventive suspension sa mga jail personnel na sangkot sa insidente.

Ipinaliwanag ni Fernando na agad ipatutupad ang suspension order kapag inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang legal  opinion nito tungkol sa nasabing isyu.

Samantala, sinabi ni Atty. Mona Aldana-Campos, provincial Comelec supervisor ng Bulacan, ilalabas nila ang legal na opinyon tungkol sa nasabing issue sa darating na  araw.

Nabunyag ang maanomalyang isyu sa piitan matapos mahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang preso, isang jail guard, at ang asawa ng isa sa mga preso sa isang residential area sa lungsod ng Malolos noong 13 Abril.

Napag-alamang ang dalawang preso na tinaguriang ‘preso caballeros’ ay malayang nakapaglalabas-masok sa Bulacan Provincial sa lungsod ng Malolos na ineeskortan pa ng jail guard kasabwat ang asawa ng isang detainee.

May mga ulat na iniimbestigahan kung sangkot rin ang apat sa iba pang krimen o kung ginamit sila ng ilang politiko upang magsagawa ng krimen sa Bulacan at mga karatig-probinsiya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …