Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun Fire

Binaril sa milktea shop 2 kabataan todas

PATAY ang dalawang estudyanteng kagagraduate lang nang pagbabarilin sa loob ng isang milktea shop sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Abril.

Ayon sa ulat mula sa San Jose del Monte CPS, naganap ang insidente ng pamamaril sa dining area ng Big Brew Milktea Shop sa Brgy. Paradise 3, sa naturang lungsod.

Nabatid na dakong 1:00 ng hapon, kasalukuyang nagmemeryenda sa loob ng nabanggit na milktea shop ang mga biktimang sina Rey, 20 anyos; at Jeric, 20 anyos, nang walang kaabog-abog na dumating ang suspek na kinilalang si alyas Randy.

Bago nakakilos, bigla na lamang pinaputukan ni alyas Randy ang dalawang biktima, isa sa kanila ay dead on the spot, habang ang isa naman ay binawian ng buhay sa Skyline Hospital.

Matapos isagawa ang krimen, mabilis na tumakas si alyas Randy na sentro ngayon ng pagtugis ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa isinagawang pagpatay sa mga biktima na kagagraduate lamang kaya nagkayayaan na magmeryenda sa milktea shop. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …