Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat ni PLt.Colonel Voltaire C. Rivera, hepe ng Santa Maria Municipal Police Sation (MPS), habang nag papatrulya ang kanyang kapulisan ay naispatan nila ang dalawang kahina-hinalang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na nakaparada sa tapat ng Savemore Supermarket.

Agad napansin ng mga pulis ang  hawakan ng baril na nakasuksok sa bewang ng angkas, kaya agad na nilang kinompronta ang dalawang lalaki, na akmang tatakas pa, ngunit napigilan ang mga ito.

Nang beripikahin ang nakitang nakaumbok sa bewang ng isa sa suspek, ito ay nakumpirmang isang kalibre .38 na baril na kargado na apat na bala, kung kaya’t agad silang inaresto at dinala sa tanggapan ng Santa Maria MPS.

Sa patuloy na pag-iimbistiga ng mga operatiba ay napag-alaman na ang gamit na motorsiklo ng mga suspek ay ang nawawalang motorsiklo  noong ika-8 ng Abril, 2025 sa Barangay Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Maria MPS ang mga  naarestong suspek, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinumete sa Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A. 10591 o  “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” New Anti Carnapping Act of 2016 (RA 10883) at Comelec Resolution 11067 “Gun Ban”. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …