Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist nang baybayin nito ang bayan ng Mercedes, Daet, at Labo sa Camarines Norte.

Lulan sa nauunang convoy van sina Brian Poe Llamanzares at Mark Lester Patron, kapwa  nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist.

Nagtapos ang convoy sa open ground ng Our Lady of Lourdes College Foundation, Daet.

Isinagawa roon ang grand rally at nagtalumpati ang mga kandidato kasunod ang musikal na konsiyerto na nagtanghal ang JRoa Band, Because, at Rock Steady.

Tinatayang 12,000 katao ang dumalo at nakisaya sa kampanyang politikal at konsiyerto. Pagdaka’y dumating si Senator Grace Poe at nakilahok sa pagdaraos ng grand rally sa naturang pamantasan.

Taos-pusong pinasalamatan ni Brian Poe, unang nominado ng partylist, ang  mga Daeteño sa mainit na pagsalubong at suporta. 

Binigyang pugay niya ang ipinadamang pagpapahalaga ng mga residente ng bawat komunidad na dinaanan ng kanilang motorcade.

“Masigla ang mga Bicolano at hindi nila inalintana ang init ng araw para sumalubong at kilalanin ang presensiya ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Camarines Norte,” saad ni Brian Poe.

Pinasalamatan ni Sen. Grace Poe si Governor Ricarte “Dong” Robledo Padilla ng Camarines Norte at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa ipinakita nilang suporta at pagtulong sa pangangasiwa at sa seguridad para sa motorcade at grand rally.

Ipinanawagan ng Senadora ang pagkakaisa ng mga Filipino, binigyan diin na sa bawat mahahalal na opisyal ay may tungkulin na pagsilbihan ang mga tao, anuman ang kanilang mga kaugnayan sa politika.

Aniya, kahit anong partido na kinaaaniban natin, mungkahi na isantabi natin ang political color maging dilaw, asul, pula, o rosas, bagkus tayo’y magkaisa  dahil tungkulin natin na paglingkuran ang sambayan para sa ibayong kaunlaran ng bansa, payo ni Sen. Grace Poe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …