Saturday , April 26 2025
Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng Lalawigan ng Bulacan sa larangan ng pagpapatupad ng mga infectious diseases program sa ginanap na IMPACT Awards 2025 sa Best Western Metro Plus, Lungsod ng Angeles sa Pampanga kahapon.

Sa ngalan ni Gobernador Daniel R. Fernando, tinanggap nina Provincial Health Office (PHO) II Dr. Hjordis Marushka Celis at PHO I Dr. Edwin Tecson ang IMPACT Award on Infectious Diseases Program-Bronze Award at Champion Partner for Infectious Diseases Program Implementation award mula kina DOH Undersecretary for the UHC HSC Area I (Northern and Central Luzon) Cluster Dr. Mathew Glenn Baggao at DOH-CLCHD Regional Director Dr. Corazon I. Flores.

Binigyang diin ni Usec. Baggao at RD Flores ang kahalagahan ng pro-active, data-driven, at community-centered na mga istratehiya, kasabay ng sustained partnership at targeted interventions, sa pagtatampok ng pag-iwas at pamamahala sa mga sakit para sa isang mas malusog na komunidad.

Maliban sa lalawigan, nakuha din ng Lungsod ng San Jose del Monte ang Excellence Award on Local Response for Infectious Diseases; habang iniuwi ng mga Bayan ng Doña Remedios Trinidad at Plaridel ang Excellence in Deworming Coverage award.

Sinasalamin ng IMPACT Awards ang pangako ng DOH-CLCHD na mataas na kalusugang pampubliko, at pinararangalan ang mahalagang bahagi ng mga walang kapagurang kumikilos upang bumuo ng mas malusog at mas matatag na Gitnang Luzon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …