Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Dalagitang anak dinonselya; ama timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng malalaswang gawain at panggagahasa sa sariling anak na dalagita sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 17 Marso.

Ayon sa ulat mula kay kay P/Lt. Col. Eulogio Lamqui III, hepe ng Marilao MPS, ang 43-anyos suspek ang biological father ng biktima na kapwa naninirahan sa Brgy. Lambakin, sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman sa imbestigasyon na habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang unang gawan ng kalaswaan ng suspek sa katawan ang biktima.

Hindi pa nasiyahan, kahit nagmamakaawa ang anak ay sapilitang inilugso ng suspek ang puri ng anak hanggang siya ay makaraos.

Matapos ang panggagahasa, pinagbantaan ng ama ang anak na huwag magsusumbong kahit kanino ng kaniyang ginawang kahalayan.

Hindi natakot ang biktima at ipinagtapat sa ibang kapamilya ang ginawa ng ama kaya isinuplong nila ang suspek sa kanilang barangay.

Dinakip ng mga opisyal ng barangay ang suspek at isinuko sa Marilao MPS na ngayon ay naghahanda sa pagsasampa ng mga kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng RA 7610 at paglabag sa RA 11648 (Statutory Rape) laban sa kaniya.

Samantala, dinala ang biktima sa tanggapan ng Marilao MSWD para sa counselling at RFU3 para sa genital examination. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …