Friday , November 22 2024

Malinis na paligid, solusyon vs dengue

INIULAT ng Department of Health na ang dengue cases ay bumaba ng 7.6 porsyento mula sa 178,864 nitong 2012 ngunit sinabi ni DoH Assistant Secretary Eric Tayag, hindi siya makokontento hangga’t hindi nagiging zero dengue cases sa bansa.

Kahanga-hangang pahayag, ayon kay lady executive Ruth Marie Atienza, operations manager ng Mapecon Philippines. Ngunit aniya, batid ni Tayag na ito ay madaling sabihin kaysa gawin. Gayonman, hinihiling niya na magtagumpay ang DoH sa kanilang hangarin na tuluyang masugpo ang dengue.

Bagama’t humuhupa na ang pagkalat ng nasabing sakit, hindi pa rin dapat maging kampante ang mga tao, babala ni Ms. Atienza, idinagdag na ang kampanya ay dapat na gawing year-round community action. Ang malaki aniyang problema ay ang pagbalewala ng mga tao sa nasabing suliranin. Dahil sa asal ng mga tao na  “Wala akong pakialam” ay nahihirapan ang DoH na makamit ang kanilang layunin. Hindi sila nakikipagtulungan para masugpo ang nasabing sakit lalo na sa depress areas na lingid sa kanilang kaalaman ay sila rin ang higit na maaapektohan. Dapat panatilihin ng mga komunidad ang maayos at malinis na kapaligiran upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.

Maaaring tumulong ang mga tao sa paglaban sa dengue gamit ang five-in-one mosquito catcher na umaakit ng mga lamok sa trap sa pamamagitan ng kominasyon ng sonar, phenomone (odor attractant), at blue light. Kapag lumapit sila sa trap, ang mga lamok ay hihigupin at mabibitag sa maliit na net. Ang trap ay available sa Mapecon.

Sinabi ni Ms. Atienza, ang higit na kapuri-puri ay ang payo ni Tayag na huwag magsasagawa ng fogging na aniya ay walang saysay laban sa airborne mosquitos. Bukod dito, lalo lamang aniyang tumi-tibay ang mga lamok sa insecticide.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *