Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Jose del Monte CSJDM Police

Sa City of San Jose del Monte  
INUMAN NAUWI SA PAGTATALO 2 PATAY, 1 SUGATAN

PATAY ang dalawang indibiduwal habang isa ang sugatan nang mauwi  sa mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 26 Pebrero.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nakatanggap ng tawag sa telepono ang San Jose Del Monte CPS hinggil sa insidente ng kaguluhan sa Brgy. San Pedro na agad nilang nirespondehan.

Pagdating sa lugar, natagpuan ng mga operatiba ang isa sa mga biktima na nakahandusay sa lupa habang ang isa ay inaatake ng suspek na kinilalang alyas Rigor gamit ang kutsilyo.

Sinubukan salakayin ng suspek ang mga nagrespondeng pulis, na nag-udyok sa isa sa mga opisyal na i-neutralize ang banta gamit ang kaniyang baril.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente, nag-iinuman ang isa sa mga biktima at ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa saksakan.

Dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, agad binawian ng buhay ang isa sa mga biktima habang ang isa ay nagawang madala sa sa ospital.

Nagalusan ang isa sa mga nagrespondeng pulis habang dinala sa ospital ang suspek na idineklarang dead on arrival. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …