Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Michael Leyva People Asia People of the Year 2025

Kris Aquino lumabas na, dumalo sa awards night 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAKALIPAS ang mahabang panahon, lumabas at nagpakita sa publiko sa kauna-unahang panahon si Kris Aquino. Ito ay sa People Asia People of the Year 2025 awards night noong February 25 bilang suporta niya sa kaibigang si Michael Leyva.

Matagal na hindi lumalabas si Kris simula nang magkasakit. Halos dalawang taon din itong namalagi sa America para roon magpagamot. At pagkaraan ng limang buwan simula nang magbalik-‘Pinas, noong February 2, lumabas siya para dumalo sa isang event bagamat may mga iniinda pa ring karamdaman.

Sa ulat ng GMA, dumalo si Kris sa People Asia People of the Year 2025 awards night. Nakasuot ng pink blazer at yellow na panloob, floral skirt at dilaw na face mask si Kris.

Dumalo si Kris dahil aniya, ayaw niyang ma-miss ang importanteng araw na ‘yun na importante sa Filipino fashion designer na si Michael, isa sa mga awardee ng People Asia People of the Year 2025.

“There are people who say that I’ll be there for you or maaasahan mo ako. But Michael has proven that so many times and in so many ways.

“And he gave his two cars for us. Nakompromiso ka na,” pahayag ni Kris.

At dahil Sumakto 39th anniversary din kahapon ng EDSA People Power Revolution natanong ang  Queen of All Media ukol dito. 

“I actually thought today is the 24th, tomorrow pa ‘yung 25. He was the one who told me. Sabi niya (last night) ‘Ano ka ba, bukas ‘yung…’ So, sabi ko, ‘Perfect!’ Talagang perfect coming out.”

At sa mga nagtatanong kung kumusta na ang kanyang health condition, ani Kris, “I’m not so okay. Nahihilo ako.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …