Monday , April 14 2025
dead gun

Riding-in-tandem nakipagbarilan sa mga pulis 1 patay, 1 sugatan

PATAY ang isang rider habang sugatan ang kaniyang angkas matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na nagresponde sa sumbong na may kahina-hinala silang ikinikilos sa Brgy. Anunas, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Miyerkoles, 19 Pebrero.

Nauna rito, inalerto ng Angeles City Command Center ang mga tauhan ng Angeles ACPO tungkol sa dalawang kahina-hinalang indibiduwal na gumagala sa Korean Town, isang hotspot para sa mga insidente ng pang-aagaw ng mga sasakyan.

Kasunod nito ay mabilis na kumilos at naglunsad ng surveillance operation ang mga operatiba ng City Intelligence Unit (CIU) at Police Station 4 (PS4) ng Angeles CPO.

Naispatan nila ang mga suspek na sakay ng isang itim na Yamaha Aerox motorcycle na walang plaka at nagtangkang umiwas sa pagharang ng mga pulis.

Habang nagkakaroon ng pag-uusap, sinubukan ng backrider na paputukan ng baril ang mga operatiba, ngunit hindi gumana sa unang kalabit ang kaniyang baril.

Inunahan ng pagpapaputok ng baril ng isang operatiba ang rider na bumunot na rin ng kaniyang armas na siya nitong ikinasawi.

Sa bugso ng putukan, nasugatan ang backrider, na kalaunan ay kinilalang  isang alyas Alex, residente sa Magalang, Pampanga, habang nasa ilalim pa ng verification ang pagkakakilanlan ng namatay na suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang US COLT .45 caliber pistol na bahagyang burado na ang serial number, isang magazine na kargado ng anim na bala, isang chamber-loaded ng bala, at isang napaputok nang bala. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …