Friday , April 18 2025
Karayom

Lola binigti, sinaksak ng 5-pulgadang karayom, suspek tiklo

NASAKOTE ng mga awtoridad ang suspek sa likod ng pagkamatay ng isang 68-anyos babae na sinaksak ng limang pulgadang karayom ​​sa bayan ng Candaba, lalawigan ng Pampanga, noong nakaraang taon.

Pinangunahan ng Pampanga SWAT Team ang operasyon na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Jerome Santiago o alyas Randy, sa loob ng isang gusali sa lungsod ng San Fernando, sa naturang lalawigan.

Ayon kay P/Col. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga PPO, palipat-lipat ang suspek ng lugar sa pagtatago tulad sa Batangas at Laguna.

Natagpuang patay ang biktimang kinialalang si Lavinia Gulapa sa loob ng kaniyang opisina sa isang bodega sa Brgy. Barangka, Candaba.

Nabatid sa awtopsiya na mayroong mga mga pasa ang kaniyang binti at sinaksak sa dibdib gamit ang isang karayom na panahi ng sako.

Matapos isagawa ang krimen, tinangay ng suspek sa kaniyang pagtakas ang perang nagkakahalaga ng P60,000 mula sa biktima.

Sa naging pahayag ng anak ni Gulapa, nagalit si alyas Randy matapos tanggihan ng kanyang ina ang kahilingan ng suspek na kunin ang kanyang suweldo nang mas maaga.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …